Gusto Ko ng Umuwi by Andy Orbeta



GUSTO KO NG UMUWI


Limang oras ang ating pagitan 
Pitong daan tatlumput walong araw ng kalungkutan 
Atat na atat na akong bumalik sa-yo

Hindi pa rin makuntento kahit cam to cam 
Suko na ko di ko lang pinapaalam 
Mabuti na lang ma-lupit ang imahina-syon ko 

Koro:
Gusto ko ng umuwi 
Gusto kong gawin natin ulit ang ganon 
Alam mo na yon..
Gusto ko ng umuwi 
Gusto kong gawin natin ulit ang ganon 
Alam mo na yon.. alam mo na yon.. 

Tinanong mo kung akoy desidido 
Kinamusta mo ko kahit hindi sinabi ko oo 
Ok lang ako wag kang masyadong mag-alala 

sumalakay para sa materyal na bagay 
Kasakasama lang ay ang aking pasmadong kamay 
Mabuti na lang lamang ang dasal sa bahala na 

(Koro)

Tulad ng..
Maglakad pauwi kwentuhan sabay ngiti at kurutan..
Bili ng isaw at pop, tsokonut na masarap at tuksuan..
Yakap na mahigpit, si elmo na makulit at agawan ng unan..

(Koro)

Composed by : Andy Orbeta
Story behind the lyrics :  ginawa ko pa nung nasa saudi pa ako.. para to sa mga taong malayo sa mahal sa buhay...