Ang Himig Ko by Zandro Culiat



Pamagat ng kanta : Ang Himig ko
composed by : zandro culiat
petsa : October 30, 2012
lokasyon : Doha Qatar

Chords : D - G - D - A

1
May bulong at himig
Himig ng aking pag-ibig
May sigaw at tinig
Buksan ang puso mo at isip
2
May bagong pag-asa
Na masisilayan ka
Malayo pa ang umaga
May bukas pa

chorus:
Pare ko , pakinggan mo
Dinggin mo ang himig ko
Ang awiting kong ito
Ay handog ko sa iyo
(repeat 2x)

3
Kung may lungkot kang nadarama
Ay ngumiti ka
Nasasaktan man o nahihirapan
Maghihilom yan

4
Bumangon ka , gumising na
Alisin ang piring mo sa mata
Itanim mo sa isipan
Pag may katwiran , ipaglaban

(repeat chorus)

Pare ko , pakinggan mo
Dinggin mo ang himig ko (2X)

Ang awiting kong ito
Ay (alay) handog ko sa iyo (2x)

Tulay :

Lupa ka man
Hindi hadlang
Bastat maghintay ka lang

Tumindig ka
Taas Noo (Kaya mo to)
Isigaw mo na Pinoy Ako
woooh wooowh woooh ooowoooh

(repeat chorus at 1st stanza)

------stamp and sealed------
---alrights reserved 2012---

FB Profile : http://www.facebook.com/AIRFLAVIO
Story Behind the lyrics : Nagpapasalamat ako una sa ating Panginoon at sa Dimaculangan Family: sa magkakapatid nina pre Joseph Dimaculangan na nagturo sa akin ng pagtugtog ng gitara nong High School time.

Ang komposisyon kong ito ay nagpapaala-ala at naglalarawan ng aking pagyakap sa Musikang Pinoy (mga banda rock,alternative,makabayan,folk,OPM atbp) at inihahandog ko sa inyong lahat , sa aking sarili , mga kaibigan (pare ko) , mga tambayan sa facebook at iba pang social network site at sa mga OFW na tulad ko saan man sulok ng mudo.Ito ang aking ikatlong komposisyon na isinulat dito sa Doha,Qatar (QGI) bilang panuntunan ko sa buhay.