Crush (tagalog labsong) Composed by Zandro Culiat


Pamagat ng kanta : Crush
compose by : zandro culiat
petsa : Nobyembre 14,2012
lokasyon : QGI - Doha,Qatar

Chords : D - A - Bm - G

1
Kapag nakikita ka
Mundo ko ay sumasaya
At pag kausap ka na
Dibdib ko ay kumakaba
oh giliw ko
Sana ay hindi magbago
Nalaman mo
Na ako'y may paghanga sa;yo

2
Wala ng aaminin
Kung halata na rin sa akin
Ano ba ang dapat gawin
Kung puso o isip ang sundin
Dalangin ko
Sana ay magkatotoo
Isang tulad mo ang pinapangarap ko

3
Wala ng aaminin
Kung halata na rin sa akin
Ano ba ang dapat gawin
Kung puso o isip ang sundin
Dalangin ko
Sana ay magkatotoo
Isang tulad mo ang hinahangaan ko

----------stamp and sealed----------
-------alrights reserved 2012------

It's a nice song straight from my heart

medyo masama po ang aking pakiramdam nong tinugtog ko at kinanta ang komposisyong dahil sa ubo at sipon heheh...hanggang ngayon po ay malat pa (paos) kaya hindi napo ako nag-upload ng bago pero yun din po ang kabuuan ng kanta at napadagdag ang huling linya na --Isang tulad mo ang hinahangan ko--
.

marami pong salamat ---- sa susunod po uling taon mga kabayan
--hanggang sa muli po--
ty chip


Ang Himig Ko by Zandro Culiat



Pamagat ng kanta : Ang Himig ko
composed by : zandro culiat
petsa : October 30, 2012
lokasyon : Doha Qatar

Chords : D - G - D - A

1
May bulong at himig
Himig ng aking pag-ibig
May sigaw at tinig
Buksan ang puso mo at isip
2
May bagong pag-asa
Na masisilayan ka
Malayo pa ang umaga
May bukas pa

chorus:
Pare ko , pakinggan mo
Dinggin mo ang himig ko
Ang awiting kong ito
Ay handog ko sa iyo
(repeat 2x)

3
Kung may lungkot kang nadarama
Ay ngumiti ka
Nasasaktan man o nahihirapan
Maghihilom yan

4
Bumangon ka , gumising na
Alisin ang piring mo sa mata
Itanim mo sa isipan
Pag may katwiran , ipaglaban

(repeat chorus)

Pare ko , pakinggan mo
Dinggin mo ang himig ko (2X)

Ang awiting kong ito
Ay (alay) handog ko sa iyo (2x)

Tulay :

Lupa ka man
Hindi hadlang
Bastat maghintay ka lang

Tumindig ka
Taas Noo (Kaya mo to)
Isigaw mo na Pinoy Ako
woooh wooowh woooh ooowoooh

(repeat chorus at 1st stanza)

------stamp and sealed------
---alrights reserved 2012---

FB Profile : http://www.facebook.com/AIRFLAVIO
Story Behind the lyrics : Nagpapasalamat ako una sa ating Panginoon at sa Dimaculangan Family: sa magkakapatid nina pre Joseph Dimaculangan na nagturo sa akin ng pagtugtog ng gitara nong High School time.

Ang komposisyon kong ito ay nagpapaala-ala at naglalarawan ng aking pagyakap sa Musikang Pinoy (mga banda rock,alternative,makabayan,folk,OPM atbp) at inihahandog ko sa inyong lahat , sa aking sarili , mga kaibigan (pare ko) , mga tambayan sa facebook at iba pang social network site at sa mga OFW na tulad ko saan man sulok ng mudo.Ito ang aking ikatlong komposisyon na isinulat dito sa Doha,Qatar (QGI) bilang panuntunan ko sa buhay.


Isang Katulad Mo Ang Tulad Ko by Zandro Culiat



Isang Katulad Mo Ang Tulad Ko

Kaninang umaga'y
Aking pinaghandaan
Muling pagkikita 
Sa ating tagpuan

At habang nasa 
Loob ng sasakyan
Ay aking hawak 
Ang iyong larawan

Binabalikan
Pinagmamasdan
Ala-ala ng 
Ating nakaraan

adlib :

Sasakyan ay pinara
Lugar ay narating
Nadarama ko ay
Kakaibang damdamin

Bumungad sa akin
Magagandang tanawin
Binabalot ng
Ulap at hangin

chorus :
Hindi mapipigilan
Ng sinumang tao
Ang magmahal ng 
Isang katulad mo ang tulad ko

Sung and Composed by : Zandro Culiat
Story Behind The Lyrics : Una ay pasasalamat sa ating Panginoon..habang excited ang lahat ng tropa sa 2nd day ng holiday at habang nasa loob ng sasakyan ay umaandar din ang aking imahinasyon,,,at ng marating namin ang lugar kasama ang aking kapatid at pinsan - ito ang aking kathang isip na nabuo.


Gusto Ko ng Umuwi by Andy Orbeta



GUSTO KO NG UMUWI


Limang oras ang ating pagitan 
Pitong daan tatlumput walong araw ng kalungkutan 
Atat na atat na akong bumalik sa-yo

Hindi pa rin makuntento kahit cam to cam 
Suko na ko di ko lang pinapaalam 
Mabuti na lang ma-lupit ang imahina-syon ko 

Koro:
Gusto ko ng umuwi 
Gusto kong gawin natin ulit ang ganon 
Alam mo na yon..
Gusto ko ng umuwi 
Gusto kong gawin natin ulit ang ganon 
Alam mo na yon.. alam mo na yon.. 

Tinanong mo kung akoy desidido 
Kinamusta mo ko kahit hindi sinabi ko oo 
Ok lang ako wag kang masyadong mag-alala 

sumalakay para sa materyal na bagay 
Kasakasama lang ay ang aking pasmadong kamay 
Mabuti na lang lamang ang dasal sa bahala na 

(Koro)

Tulad ng..
Maglakad pauwi kwentuhan sabay ngiti at kurutan..
Bili ng isaw at pop, tsokonut na masarap at tuksuan..
Yakap na mahigpit, si elmo na makulit at agawan ng unan..

(Koro)

Composed by : Andy Orbeta
Story behind the lyrics :  ginawa ko pa nung nasa saudi pa ako.. para to sa mga taong malayo sa mahal sa buhay...


Kendi at Kope by Zandro Culiat




Pamagat ng Kanta : Kendi at Kope
Composed by: Zandro Culiat
October 18,2012

Pinsan ako ay napadaan
kay Tonyong tindahan
upang bumili o mangutang
pero iba ang napagmasdan

namilog ang aking mata
nong siya'y unang makita
sa dating ng kanyang porma
ay maaakit kang talaga

ginawa ko ako ay lumapit
diskarte ko ay inisip
kung ano ang nais malaman
tinanong ko kung ano ang pangalan

Refrain:
kikiligin ka sa kwentuhan
huwag lang niya akong tititigan
love at first sight kaya ang nadarama
o paghanga lang sa kanya
(buong araw ko ay anong saya)

Chorus :
oooh how sweet ng love story
flavor of the month ng century
tulad nya ay isang kendi
at ako naman ay isang coffee

kaya aking binabalik-balikan
ang mga alaala nya sa tindahan
walang iba pang makakahadlang
kay kendi ko na aking ka bubble gang

Story Behind Lyrics : I compose this song when i was working in Dubai,UAE 2010 and when i got here and buy another guitar i re-arrange some lyrics, create a harmony,melody and rythm that i think perfect sound to this song,,..at Qatar 2012 (QGI)..this is dedicated to a dearest friend of mine..hinahangaan ko talaga sya....PARA SAYO ANG KANTA NA ITO maging sino ka man,,,..




Aksidente by Andy Orbeta



Artist/Composer  : Andy Orbeta
Facebook Profile : http://www.facebook.com/punkitos5000
Story Behind the Lyrics : Kabaligtaran yan ng nangyari sakin.. meron na akong asawa.. sya rin ang una kong gf. ako din ang una nya.. di madali ang naging relasyon namin.. lahat ng takot ko sa isang relasyon ang mga salita sa kanta..



Bitter Ka Kasi by Butch Valdez



Title: Bitter ka kasi
Artist: Butch Valdez

Noong tayo pa ang saya saya
walang problema, laging nakatawa
bawat sandali,nakangiti
magkasamang magkahawak kamay

pero ngaun wala na tayo
bakit biglang nagkagulo
anu ba ang sinasabi mo na pangit ako
kamukha sanggano at kabayo
pero di naman totoo..

chorus:

bitter ka kasi kaya mo yan sinasabi
akoy sinisisi mo sa'ting pagkalayo
bitter ka kasi kaya mo yan sinasabi
gwapo naman ako't matalino
bitter ka kasi kaya mo yan sinasabi..

noong may kasama ako ito ang sabi mo
ba't sya pa ang pangit pangit nya..
ang payat payat parang poste.
alam mo ba yang sinasabi mo..

repeat chorus:

pwede bang lubayan mo na ako
wag ka nang mangialam sa buhay ko
tapos na tayo, tapos n tayo
itikum mo ang bibig mo.. pwede ba?

repeat chorus:

biter ka kasi kaya mo yan sinasabi
anu man ang problema mo sarilinin mo
wag mo kung idamay sa iyong gulo
ayaw ko narin makitang pagmumukha mo
di ako biter kagaya mo,
wag ka ng makialam sa gusto
wag ka nga, wag k nga

bitter ka kasi kaya mo yan sinasabi
akoy sinisisi mo sating pagkalayo
biter ka kasi

Artist: Butch Valdez
Genre : Acoustic
Story behind the lyrics :  yeah the story behind the lyrics is all about my x-gf!! when we broke up!!